Isang wika ang bumubuklod sa milyon-milyong mamamayan. Isang wika ang nagsisilbing tulay sa pagkakaintindihan ng buong bansa. Isang wika ang nagdurugtong ng Luzon, Visayas, at Mindanao- ang wikang Filipino. Ang pagtangkilik at paggamit ng sariling wika ay isang paraan ng pagsulong ng kaunlaran. Sa paggamit ng wikang atin, napapadali ang pakikipagkomunikasyon saan man sa bayan. Napapatunayan din ang pagmamahal sa sariling bansa kung ating gagamitin ang wikang Filipino. At pagsapit ng Agosto, ating gunitahin ang Buwan ng Wika.
Ngayong taon, ang tema ng Buwan ng Wika ay "Filipino: Wika ng Saliksik". Tayo'y hinihikayat na gamitin ang wikang Filipino bilang midyum sa pananaliksik, lalo na sa larangan ng Agham at Sipnayan. Sa pagpawi ng pagkauhaw sa karunungan, ating gamitin ang wikang Filipino sa pagtamo ng impormasyon. Hindi lamang sa paghahanap ng impormasyon magagamit ang wika. Ito ay mainam na midyum sa pagbabahagi ng karunungan, gaya na lamang sa diskusyon, sa pagsusulat ng isang artikulo, o sa pakikipagtalastasan. Sa paggamit ng wikang atin, mas mapapadali ang paghahanap at pagbabahagi ng impormasyon, sapagkat mas madali tayong magkaintindihan at mas madali nating maipaparating ang mga nais nating sabihin.
Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang ng mga paaralan sa buong bansa sa pamamagitan ng paghahandog ng iba't ibang kompetisyon. Kabilang dito ang pagsusulat ng sanaysay, pag-awit ng OPM, pagbigkas ng Spoken Word Poetry, interpretatibong pagbasa, at marami pang iba.
Ang Wikang Filipino ang ating pagkakakilanlan. Nararapat lamang na ito'y ating pagyamanin, pahalagahan, at gamitin. Huwag nating papabayaan kung ano ang nasimulan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Kaya't saang bahagi ng mundo man tayo mapadpad, ating gamitin ang sariling wika. Ating ipagmalaki na dugong Pilipino ang nananalaytay sa atin. Mabuhay, Filipino!
Ang Wikang Filipino ang ating pagkakakilanlan. Nararapat lamang na ito'y ating pagyamanin, pahalagahan, at gamitin. Huwag nating papabayaan kung ano ang nasimulan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Kaya't saang bahagi ng mundo man tayo mapadpad, ating gamitin ang sariling wika. Ating ipagmalaki na dugong Pilipino ang nananalaytay sa atin. Mabuhay, Filipino!
Mahusay! Nararapat lamang na huwag nating pabayaan ang mga nasimulan ng ating dating pangulo. Ating gamitin at ipagmalaki na dugong Pilipino ang nananalaytay sa atin! Ipagpatuloy mo ito, Joachimmm!
ReplyDeleteI liked your blog, very well said.
ReplyDeleteGreat work
ReplyDeleteNapakahusay!Ito'y nagbigay inspirasyon sa akin!
ReplyDeleteNapakaganda ng iyong ginawa! Napakahusay ng iyong istilo sa paggawa ng artikulo.
ReplyDeleteDapat talaga nating pahalagahan ang ating sariling wika dahil kung patuloy nating gagamitin ang wikang sa iba, may matatawag pa ba tayong sariling wika?
ReplyDelete